Monday, August 13, 2007

My Pre-Birthday Adventures

Gaya ng sabi ko nawala ang cellphone ko isang araw bago ang aking kaarawan. Kung alam niyo lang kung gaano kasakit...hindi ako nasaktan sa katotohanang nawala ang lintik na cellphone'ng yun...bagkus lubos akong nasaktan sa katotohanang nawala ito isang araw bago pa man ang aking kaarawan..na-gets nito bah?

anyway, umuwi ako ng gensan ng araw na iyon..august 9, 2007...
kung alam niyo lang ang pakiramdam nang masiraan kayo sa daan..maflatan ang sinasakyan mong deluxe na bus..walang aircon at 45-minuto kang naghintay na malagyan ng hangin ang gulong ng sinasakyan mo...haaay...

pero sa kabila ng lahat ng mga ito...napag-isip-isip ko ang mga bagay na toh:

Una: Kung hindi nawala ang cellphone, hindi sana ako umiyak at nasaktan..Oo umiyak ako..hindi dahil nga sa nawala ang cellphone ko kundi pano na ang mga birthday greetings na matatanggap ko kinabukasan ay hindi ko mababasa?!? Hurt!! At dahil dito, aking napagtanto na ako'y isang tao pa! Tao pa ako!

Pangalawa: Kung hindi nawala ang cellphone ko, hindi ko sana maisipang bumalik ng boarding house upang i-chek kung andun pa ang cellphone ko, hindi ko sana nakita ang pagmamalasakit ng mga kaklase ko at ng logic teacher ko...at hindi sana ako sumakay ng taxi...hindi ko rin sana mapapansin ang kabaitan ni Manong driver--instead 35 ang babayaran ko eh 30 lang pinabayad niya (kasi sumobra siya papunta sa street namin...)...at nung nafeel ko na talagang wala na talaga ang sinumpang cellphone na yaon..hindi sana ako sumakay ng jeep pabalik ng skul at hindi ko maappreciate ang honesty ni manong jeepney driver...'di tulad ng iba na 7pesos ang kinakaltas eh 6 pesos lang ang kinuha niya sa 20 pesos ko...

Pangatlo: Kung hindi nawala ang celphone ko, hindi sana ako makikitawag kay Crispin...nakitawag ako upang ipaalam na nawawala ang lintik kong cellphone...hindi sana ako naiyak matapos kong kausapin ang mahal kong Ama...hindi ko sana nakita ng may soft-side din pala ang Crispin na yon..kahit na madalas akong awayin nun...na-feel ko na may malasakit siya sa pathetic na tulad ako...

Pang-apat: Kung hindi nawala ang cellphone ko, hindi ko sana makakatabi ang dalawang babae panay ang pagtetext...medyo nainis ako...pero sa inis na iyon, naibaling ko ang aking atensyon sa pamilyang hindi gaano kalayuan ang pagkaka-upo mula sa akin sa bus...hindi ko sana makikita ang ganda ng mga mata ng batang akay-akay ng tatay niya...ang ganda nilang pag-masdan...wish ko tuloy sana sanggol ulit ako...

Panlima: Kung hindi nawala ang cellphone ko, hindi sana ako sumakay ng traysikel mula sa checkpoint at hindi ako makakasakay sa isang madaldal ngunit napakabait namang traysikel drayber...wala na akong pera nang mga sandaling 'yon kundi ang kakarampot na 10 pesos na coins sa aking bulsa...Kaya dinaan ko na lang sa daldal ang lahat...chinika ko na lang ng todo si manong..knowing na 10 pesos lang ang maibabayad ko sa kanya...hindi ko sana narinig ang mga sintemyento niya sa buhay...hindi ko nalaman na ipinagmamalaki niya ang kanyang mga anak...na ayaw niya magkaroon ng cellphone (siyempre sinabi ko sa kanya na nawala yong cellphone ko nang mismong araw ding yon...)...na kuntento na siya sa buhay niya...

Pang-anim: Kung hindi nawala ang cellphone ko, hindi sana naghintay ng matagal ang pamilya ko...batid ko ang kanilang pag-aalala...they did not hear from for almost 4 hours..malay nila kung ano na ang nangyari sa akin on the way...hindi ko sana nakita ang excitement sa kanilang mga mata ng makita nila akong bumulaga sa gate ng tito ko...hindi ko sana narinig ang laman ng card ni kuya hero para sa akin...ang yoyo ni paulo ay hindi ko sana napansin...at hindi ko sana nadama na kahit sila masaya nang nakita ako...

Pampito: Kung hindi nawala angc cellphone ko, e di hindi sana ako magkakaroon ng bagong cellphone! hahahaah kahit na pamana 'yon ng nanay ko e ok lang..may nakakatuwa naman siyang ringtones...(kahit na may narinig akong message alert tone nang tulad ng sa akin...hehehehe)

Haaay...mahaba-haba ang araw na 'yon..Ika nga, when it rains...it pours...hard! Pero marami akong natutunan...hindi ko alam ngunit parang nasa gitna ako ng dalawang daan na pahilis na nagsasabing tumawid na ako sa kabila...parang aklat..matatapos na ang isang bahagi...magbubuklat ka na naman ng panibago...Ang araw na iyon ay hindi ko malilimutan...hindi pala ang araw...ang mga nangyari...at ang mga nakasalamuha ko...despite the fact na emotional ako ng mga times na yun, I thank God for letting me endure...

I will endure the endurable nabasa ko sa blog ng isang kaibigan...Sana kayo rin!

(tapos na...)

No comments: