Sunday, August 5, 2007

18 things I wanna do at 18 (part I)

So narito na ang ipinangako kong entry..ang problema eh dapat gumagawa ako ng isang news article na ipapasa ko bukas...haay...pero wala akong ganang gumawa nun..kaya eto na muna..(part I muna dahil tinamad ako habang gumagawa netoh..)

1.) Get Rid of my AcNe.

Haay naku...ito yung growing up frustrations ko..bakit nung highschool ako wala namang mga abubot na tumutubo sa mukha ko ah?!? kakainis talaga...pero sabi nga ng mama ko, blame ko daw sa hormones ko..naku kahit saan na lang iblame ang kung anu-anong bagay pati ba sa hormones? susunod niyan sa DNA? pero narealize ko bakit hindi ko tanungin ang sarili ko..maaga ba akong natutulog? kumakain ba ako nang tama? prutas, kumakain ba ako? sabi ng doctor hindi naman nakakapimple ang chocolates ahh...ang tocino hindi rin...hmmm...nagtaka pa ko...basta dapat mawala na sila..aargh...

2.) Get an ear-Pierce.

Gusto ko magkaroon ng bagong butas sa tenga ko..baka sa kanan...tabi lang din ng butas ng isa. Wala lang...parang rebellious side ko lang..hehe or pwede rin sa may taas para hindi makita ng nanay at tatay ko..kasi feeling ko papagalitan nila ako...hehe parang stripping off the prim and proper side...(nga bah?) oh, alam ko medyo ]nagreact kayo jan!hehe pero hindi ko pa alam ha...baka magbago ang isip ko...

3.) Get myself a PasspoRt.

So it's a need! Kelangan ko na ng passport. since legal na ako hindi ko at hindi ko na kailangan ng guardian consent sa DFA so pwede na! Malay mo, baka biglang may magimbita at manlibre sa aking pumunta ng HongKong, Indonesia, Singapore and the rest of the ASEAN or biglang may nag-petition sa'kin...o di ready na ako...go go go!

4.) Learn How to Drive.

Oo, gusto kong matuto magmaneho...para siyempre kahit dito man lang sa loob ng bansa makapaglibot na ako..diba? Pero parang matagal-tagal ko pa toh matututunan...pero ok lang...kailangan ko rin ng mas maliit na sasakyan kasi ung samin malaki L300 van...so ang kailangan ko siguro picanto or basta ung maliliit..hehe...

5.) Write and Read MORE.

Since narealize ko na "if you don't read, then you can't read..therefore there's nothing in your head..", kung gusto kong pumasok at makibahagi sa mundo ng literature, kailangan kong magbasa at magsulat...magbasa at magsulat...magbasa at magsulat...haaay..medyo tamad pa naman akong magbasa...nagsusulat lang ako kung feel ko..or kelangan sa klase...so now...read more, write more...wala namang mawawala sa akin diba?

6.) GAin more.

Ok sige. I need more weight. Mukha na akong anorexic. So kailangang mas kumain ako ng kumain. Para naman kahit papano magkalaman ako. Akala siguro nila hindi ako kumakain. Eto nga cguro ung epekto kung walang nanay na nagluluto para sa'yo...siyempre independent girl na napadpad sa davao ang drama ko so kailangan kong panindigan 'toh...minsan dahil tinatamad akong magluto..eh hindi na lang ako kumakain...quick treats na lang bininili ko..or dalawang beses sa isang araw na lang ako kumakain..kawawa ako noh? hehe... therefore, i need to eat more...i have to give credit to my parents..sakto naman ang binibigay nilang allowance sa kin...dba good girl?!?

7.) Uminom ng maraming tubig.

Gasgas na ang 8 glasses of water a day. Pero struggle pa rin siya for me. Ewan ko....i'm just not the water-type of person...hindi rin naman ako masyadong mahilig sa softdrinks..pero mahilig ako sa juices...siguro it's just the right time...haay naku..nakailang new year's resolution na ako tungkol dito...pero ala pa rin..cge na nga try ko na this time...

8.) Sleep Early. Wake-up early.

sabi ni mama, kung gusto kong mawala pimples ko kailangan kong matulog ng maaga...may point siya...pero sa lifestyle ng isang tulad kong busy-busyhan...mahirap matulog ng maaga..kahit nga maaga akong umuwi gagawa parin ako ng bagay na pagkaka-abalahan...magbasa, manood ng tv or dvd...so ngayon, i'll try to make this a habit...

9.) Take Vitamins everyday.

Ako ung tipo ng tao na kapag hindi nakapag-vitamins eh sumasakit ang ulo lagi..so to protect myself from sakit dapat magvitamins araw-araw...vitamin c is a must...multivitamins at kung anu-ano pa...

(to be continued kung hindi tinatamad..)

No comments: