Thursday, February 26, 2009

back to my uniform


Today, I was back into my old uniform. Funny thing was, a lot of people were..well kinda surprise to see me back in my immaculate white uniform. I looked a lot like high school. Hehe

I miss this uniform. I was used to the comfort it brought until we started wearing our Prac uniform.

xoxo
Pre

Tuesday, February 24, 2009

Doodles with Bridget

Econ time was doodle time with Bridget. We were writing at the back of the photocopied notes while semi-listening to the reports of our classmates.

I wrote something that goes like this...

"All good things come to an end..
But even not-so-good things come to an end either...

Not that's comforting!"

Everything is fleeting. Everything is changing. Everything will never be ever the same again.
Just like the weather now...the sun will come out tomorrow..maybe not...You'll never know.

xoxo
Pre

Sunday, February 22, 2009

feeling summer na

Uhmm...bored kasi ako kaya napilitan akong sumulat..

Narealize ko na ang Awit entry ko eh ang first entry ko for 2009. Ganon ba ako kabusy? Hahaha. 

Kahapon Sunday, isang napakaboring na araw... i went to SM alone...watched a movie...boring...I went home...ate by myself...

hanggang sa...naiiyak na ako..kasi wala akong ginagawa!

Ganun ba yun? Binigyan ako ng chance ni Lord to rest..pero...bakit hindi ako masaya?

Ngayon...walang pasok...panetnet na lang ako...

Buti at binayaran na ako sa ginawa naming commercial...at buti anjan ang mga Bio kids to keep me company...Hanggang sa nakuwento ko na tuloy yung mga nangyari sa akin nung grade 2 ako...Wala rin namang nagiinvite sa aking lumabas...Finals na rin kasi at busy ang lahat...Marami pa ring nagcocongratulate sa akin about Awit...thank you po! 

Actually, dapat may ginagawa ako...pero pa rang wala pa akong gana...ano bang problema ko?

Natatakot nga ako...after grad...baka tumunganga lang ako sa bahay..

pero sabi ni DK ienjoy ko lang muna ang buhay estudyante ko ngayon...kasi sa totoo lang..ibang-iba daw ang buhay after school...

Hmmm...feel ko na ang summer...kita naman siguro sa header ko...

wala ng coherence ang mga pinagsasabi ko...halata bang bored ako?

ito ata yung mga panahon na dapat ay basahin ko ulit ang mga libro ni Bob Ong...

humanda na lang ako sa mga darating na araw...

baka next month pa ako makakapagsulat ulit.



xoxo
Pre

Saturday, February 21, 2009

The Awitenista Experience

I had the chance to direct the biggest show of my life by far. Last night, was a nerve-wracking moment, yet it was a very special night for me. It was a dream come true for me.

I've been with Awitenista for four years. When i was in first year, I was just one of the audience. I got my first experience in a big live production when I was part of Awitenista 2007 and was the program committee head last year. This year, was a bit different...

I wasn't supposed to be the head of Awit productions this year. When we were having our planning, i was firmed to transfer in the Promotions. But due to a lot of circumstances...I stepped up and well...took the responsibility. That was October...

We were late...So we had our pre-production meeting, recruited the production staff, did our promos, posted ads and got through the Preliminaries.

The committee decided to get 16 deserving entries. 

So it was time to produce the Grand Finals night...

Kalasag, having a pool of creative and talented minds, took a big risk in the production. For us, the 22nd Awitenista Grand Finals Night is the most ambitious Awitenista ever.

The pre-production was a grueling process. It was hard for us because there were six of us in the group who are graduating students and we still need to squeeze in our academics while trying to keep us with our responsibilities. Being a MassCom student and the Literary Editor for the yearbook, I had to juggle my proofreading and acads and Awit all at the same time...I tried to squeeze in some personal time...but i failed in most times...

I lost 7 pounds in three days. Not to mention the pain of having two wisdom teeth growing inside my mouth at the same time...Stress and vertigo are two of my best friends. 

And did we did it. We got through the show. Although it wasn't perfect, but i believe that we had a great show last night.

With this, I would like to thank some people who made my last Awitenista experience a memorable one...

1. Of course, my Kalasag family with Sir Bong--another achievement for us guys. I'm proud of us.
2. To all Awitenista Production Staff
3. To all composers, interpreters, accompanists who joined us from the Preliminaries and the Finals--Thank you for your cooperation and sharing your time with us. We did all the best we could to bring out the best of everybody.
4. My MassCom friends--you never fail to boost me up
5. My family--I really wish you could see me with all the things I'm up to...
6. To Sir Rikki...thank you for the support and for believing that I can do it even though you were not around (I really wish you were there though...)
7. To my faithful God, you never fail to surprise me...I can do all things through Christ who gives me strength...

I want to dream bigger dreams...and make them all come true.

xoxo
Pre




Wednesday, December 31, 2008

Bagong taon, bagong mga pagkakataon

Paalam na 2008! Hello 2009!

Kung ano man ang mga nangyari sa taong 2008, kalimutan natin ang mga hindi gaanong kaaya-aya at isapuso ang mga magagandang nangyari. Pero kahit na wala masyadong magandang nangyari sa nagdaang taon ay magpasalamat tayo sa buhay na ibinigay ng Panginoon.

Okay lang yun, may 365 na araw tayong pwedeng magbago. Manalangin tayo na araw-araw ay buhay tayo.

Maging sabik sa bawat araw ng ipinagkaloob ng Diyos. Matuto sa pagkakamali ng iba. Hindi kailangan na ulitin mo ang mga pagkakamali ng iba tao. Kung inulit mo, tanga ka!

Piliin mo na lang na maging masaya kahit hindi. Choice yun e.

Makinig sa mga magulang. Kahit mga kaibigan ay naiinggit sa'yo. Kaya, mas makinig sa mga magulang, hindi ka nila bibiguin.

Minsan, masaya rin namang mag-isa. Mas nakikilala mo ang sarili at mas magaan ang loob mo kung nag-iisa ka. Hindi ko alam kung bakit pero maganda ang pakiramdam nang paminsa-minsan ay nag-iisa ka. Secured ka, 'yung ganon nga.

Matuto, matuto at makinig. Kahit mahirap ang buhay, go pa rin ng go!

Itu-ito ang mga natutunan ko sa taong 2008. Alam kong mas marami pa akong matutunan sa taong 2009...

Kaya...manibagong bagong taon! Ang ingay na rito sa amin kaya mag-ingay na rin kayo!

Rock en Roll!
xoxo
Pre

Tuesday, December 30, 2008

Astig maging Bayani!

Muntik ko na tuloy makalimutan na araw ng pagkamatay ng ating pambansang bayani ngayon. Ang lahat siguro sa atin ay abala na para sa ating mga Buenas Noche at kung ano ang mga kakainin natin sa paghihiwalay ng taon.

Pero nais ko munang magbigay-pugay sa taong naging dahilan kung bakit kahit papaano ay masasabi nating mga Pilipino na tayo malaya.

Mas naintindihan ko ang kahalagahan ng buhay ni Rizal ng kinuha ko ang History 50 o mas kilala bilang subject na Rizal's works, life and writings. Noong una ay hindi ko naintindihan kung bakit siya ang ginawang pambansang bayani ng Pilipinas. Ngunit nang naglaon ay mas na-appreciate ko ang pagiging bayani ni Rizal.

Ang kanyang talino ay talagang hindi mawari. Ang mga sulat niya ay habang-buhay na tatatak at tuluyang magbibigay kahulugan. Hindi titigil and kanyang impluwensya hindi lamang sa kanyang mga kababayan. Patuloy pa rin ang kanyang imluwensya sa mga Pilipino ng kahapon at bukas.

Ang kanyang buhay nagsilbing apoy na sumiklab upang magbigay-liwanag sa madilim na buhay ng kanyang mga naghihirap ng mamamayan. Ang kanyang kamatayan ay nagsilbing mitsa ng ating mahabang paglalakbay tungo sa kalayaan...

Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi gaanong binigyan ng pansin ang araw na ito. Wala man lamang espesyal na pagpupugay para sa kanya. Siguro nag-iba na nga talaga ang panahon. Wala na ang mga bumabatingay na sigaw ng mga sumisidhing damdamin ng mga kabataan.

Magkagayunpaman, maraming salamat sa buhay mo Pepe...Patuloy ka sanang maging inspirasyon lalung-lalo na sa mga kabataang tulad ko...Kung buhay ka sana ngayon, tiyak ko, hindi ka magiging masaya. Pero sa tingin ko, gagawa at gagawa ka ng paraan maiparating lamang ang pagbabagong nais mo sa mahal mong Pilipinas.

Astig ka talaga!

Monday, December 22, 2008

Tulungan niyo kami, anak ng Mindanao

Inatasan kami ng isang napakabigat na proyekto. Pito kami sa grupo at kailangan naming lumikha ng isang makabuluhang programa tungkol sa Mindanao,para sa Mindanao.

Kailangan namin ang tulong mo, anak ng Mindanao. Tulungan mo kaming mabigyan ng sagot ang mga katanungang bumabagabag sa aming mga puso. Sagutin niyo sana ang aming mga katanungan upang makapagsimula kami sa aming proyekto...

1.Anu-ano ang mga maling persepsyon ng mga kababayan natin mula sa Luzon at Visayas tungkol sa Mindanao?

2.Totoo bang may kaguluhan sa Mindanao?

3. Totoo bang hindi ligtas tumira sa Midnanao?

4. Hindi ba maganda ang ipinapakita ng mga taga-Luzon sa totoong nangyayari sa Midnanao?

5. Dapat bang katakutan ang mga taong nakatira sa Mindanao?

6. Ano ba ang nais kong iparating sa mga kababayang may maling persepsyon tungkol sa Mindanao?

7. Bakit nagkakaroon ng mga ganitong maling akala tungkol sa Mindanao?

Iilang lamang ang mga tanong na ito sa nais naming bigyan ng kasagutan. Ngunit, malaki ang maitutulong ng inyong mga sagot. Huwag sana kayong mag-atubiling magbigay ng inyong komento.

Sige na anak ng Mindanao, hayaang maiparating ang inyong boses!