Tuesday, December 30, 2008

Astig maging Bayani!

Muntik ko na tuloy makalimutan na araw ng pagkamatay ng ating pambansang bayani ngayon. Ang lahat siguro sa atin ay abala na para sa ating mga Buenas Noche at kung ano ang mga kakainin natin sa paghihiwalay ng taon.

Pero nais ko munang magbigay-pugay sa taong naging dahilan kung bakit kahit papaano ay masasabi nating mga Pilipino na tayo malaya.

Mas naintindihan ko ang kahalagahan ng buhay ni Rizal ng kinuha ko ang History 50 o mas kilala bilang subject na Rizal's works, life and writings. Noong una ay hindi ko naintindihan kung bakit siya ang ginawang pambansang bayani ng Pilipinas. Ngunit nang naglaon ay mas na-appreciate ko ang pagiging bayani ni Rizal.

Ang kanyang talino ay talagang hindi mawari. Ang mga sulat niya ay habang-buhay na tatatak at tuluyang magbibigay kahulugan. Hindi titigil and kanyang impluwensya hindi lamang sa kanyang mga kababayan. Patuloy pa rin ang kanyang imluwensya sa mga Pilipino ng kahapon at bukas.

Ang kanyang buhay nagsilbing apoy na sumiklab upang magbigay-liwanag sa madilim na buhay ng kanyang mga naghihirap ng mamamayan. Ang kanyang kamatayan ay nagsilbing mitsa ng ating mahabang paglalakbay tungo sa kalayaan...

Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi gaanong binigyan ng pansin ang araw na ito. Wala man lamang espesyal na pagpupugay para sa kanya. Siguro nag-iba na nga talaga ang panahon. Wala na ang mga bumabatingay na sigaw ng mga sumisidhing damdamin ng mga kabataan.

Magkagayunpaman, maraming salamat sa buhay mo Pepe...Patuloy ka sanang maging inspirasyon lalung-lalo na sa mga kabataang tulad ko...Kung buhay ka sana ngayon, tiyak ko, hindi ka magiging masaya. Pero sa tingin ko, gagawa at gagawa ka ng paraan maiparating lamang ang pagbabagong nais mo sa mahal mong Pilipinas.

Astig ka talaga!

No comments: