Wednesday, December 31, 2008

Bagong taon, bagong mga pagkakataon

Paalam na 2008! Hello 2009!

Kung ano man ang mga nangyari sa taong 2008, kalimutan natin ang mga hindi gaanong kaaya-aya at isapuso ang mga magagandang nangyari. Pero kahit na wala masyadong magandang nangyari sa nagdaang taon ay magpasalamat tayo sa buhay na ibinigay ng Panginoon.

Okay lang yun, may 365 na araw tayong pwedeng magbago. Manalangin tayo na araw-araw ay buhay tayo.

Maging sabik sa bawat araw ng ipinagkaloob ng Diyos. Matuto sa pagkakamali ng iba. Hindi kailangan na ulitin mo ang mga pagkakamali ng iba tao. Kung inulit mo, tanga ka!

Piliin mo na lang na maging masaya kahit hindi. Choice yun e.

Makinig sa mga magulang. Kahit mga kaibigan ay naiinggit sa'yo. Kaya, mas makinig sa mga magulang, hindi ka nila bibiguin.

Minsan, masaya rin namang mag-isa. Mas nakikilala mo ang sarili at mas magaan ang loob mo kung nag-iisa ka. Hindi ko alam kung bakit pero maganda ang pakiramdam nang paminsa-minsan ay nag-iisa ka. Secured ka, 'yung ganon nga.

Matuto, matuto at makinig. Kahit mahirap ang buhay, go pa rin ng go!

Itu-ito ang mga natutunan ko sa taong 2008. Alam kong mas marami pa akong matutunan sa taong 2009...

Kaya...manibagong bagong taon! Ang ingay na rito sa amin kaya mag-ingay na rin kayo!

Rock en Roll!
xoxo
Pre

Tuesday, December 30, 2008

Astig maging Bayani!

Muntik ko na tuloy makalimutan na araw ng pagkamatay ng ating pambansang bayani ngayon. Ang lahat siguro sa atin ay abala na para sa ating mga Buenas Noche at kung ano ang mga kakainin natin sa paghihiwalay ng taon.

Pero nais ko munang magbigay-pugay sa taong naging dahilan kung bakit kahit papaano ay masasabi nating mga Pilipino na tayo malaya.

Mas naintindihan ko ang kahalagahan ng buhay ni Rizal ng kinuha ko ang History 50 o mas kilala bilang subject na Rizal's works, life and writings. Noong una ay hindi ko naintindihan kung bakit siya ang ginawang pambansang bayani ng Pilipinas. Ngunit nang naglaon ay mas na-appreciate ko ang pagiging bayani ni Rizal.

Ang kanyang talino ay talagang hindi mawari. Ang mga sulat niya ay habang-buhay na tatatak at tuluyang magbibigay kahulugan. Hindi titigil and kanyang impluwensya hindi lamang sa kanyang mga kababayan. Patuloy pa rin ang kanyang imluwensya sa mga Pilipino ng kahapon at bukas.

Ang kanyang buhay nagsilbing apoy na sumiklab upang magbigay-liwanag sa madilim na buhay ng kanyang mga naghihirap ng mamamayan. Ang kanyang kamatayan ay nagsilbing mitsa ng ating mahabang paglalakbay tungo sa kalayaan...

Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi gaanong binigyan ng pansin ang araw na ito. Wala man lamang espesyal na pagpupugay para sa kanya. Siguro nag-iba na nga talaga ang panahon. Wala na ang mga bumabatingay na sigaw ng mga sumisidhing damdamin ng mga kabataan.

Magkagayunpaman, maraming salamat sa buhay mo Pepe...Patuloy ka sanang maging inspirasyon lalung-lalo na sa mga kabataang tulad ko...Kung buhay ka sana ngayon, tiyak ko, hindi ka magiging masaya. Pero sa tingin ko, gagawa at gagawa ka ng paraan maiparating lamang ang pagbabagong nais mo sa mahal mong Pilipinas.

Astig ka talaga!

Monday, December 22, 2008

Tulungan niyo kami, anak ng Mindanao

Inatasan kami ng isang napakabigat na proyekto. Pito kami sa grupo at kailangan naming lumikha ng isang makabuluhang programa tungkol sa Mindanao,para sa Mindanao.

Kailangan namin ang tulong mo, anak ng Mindanao. Tulungan mo kaming mabigyan ng sagot ang mga katanungang bumabagabag sa aming mga puso. Sagutin niyo sana ang aming mga katanungan upang makapagsimula kami sa aming proyekto...

1.Anu-ano ang mga maling persepsyon ng mga kababayan natin mula sa Luzon at Visayas tungkol sa Mindanao?

2.Totoo bang may kaguluhan sa Mindanao?

3. Totoo bang hindi ligtas tumira sa Midnanao?

4. Hindi ba maganda ang ipinapakita ng mga taga-Luzon sa totoong nangyayari sa Midnanao?

5. Dapat bang katakutan ang mga taong nakatira sa Mindanao?

6. Ano ba ang nais kong iparating sa mga kababayang may maling persepsyon tungkol sa Mindanao?

7. Bakit nagkakaroon ng mga ganitong maling akala tungkol sa Mindanao?

Iilang lamang ang mga tanong na ito sa nais naming bigyan ng kasagutan. Ngunit, malaki ang maitutulong ng inyong mga sagot. Huwag sana kayong mag-atubiling magbigay ng inyong komento.

Sige na anak ng Mindanao, hayaang maiparating ang inyong boses!