Saturday, September 20, 2008

Flushed disk

narealize ko na ang mga dapat kong gawin para sa araw na ito ay kinailangan ng aking magiting na 512 (or less)MB na USB flash disk...

Bakit?

Una.

andun ang aming thesis proposal na kailangan kong iprint para makareproduce ng tatlong kopya.

Pangalawa.

kailangan kong itransfer ang ibang files na andun upang gumawa ng sariling folder sa aking official literary editor folder.

Pangatlo.

nandun ang aking articles sa law at may kailangan din akong ipaprint.

Ang Problema:
hindi ko siya mahanap.
hindi ako sigurado kung nasan siya.
ewan ko kung saan napadpad ang kakarampot na gamit na iyon.
haaay...
 
kahit na maliit lang yon e importante yun sa buhay estudyante ko.
sa loob ng mahigit na tatlong taon e sinamahan niya ako sa tuwa at saya ng buhay Atenista ko...

saan na kaya yun?!


No comments: