matagal na rin pala akong hindi nagbablog.
masaya na rin kasi akong makiusyoso sa ibang nagpopost.
masaya na ako pacomment-comment lang.
ang ibang friends ko na lang ang nagbablog tungkol sa akin,
tulad na lang nung birthday ko.
oo 19 na nga pala ako. haha
marami na rin ang nangyari sa akin.
busy minsan. minsan hindi.
nagkainteres ako ulit na manood ng tv series.haha
sa katauhan ng kaibigan kong si gossip girl.
nahiligan ko rin nagyon ang magbasa ng twilight.
kahit na ayoko sa style of literature ni stephenie eh binabasa ko pa rin.
kakabanas kasi yung main character--ang tanga-tanga.haha
bumalik na nga pala ang Judy abott. yung pinapanood ko noong bata pa ako.
Daddy Long Legs yung original title nito. Nasa QTV tuwing 9.30. Pero bago yan,
ginigising ako ni Mary sa Secret Garden tuwing 9 am. Naalala ko tuloy nung binabasa
ko lang yun sa libro. Isa sa paborito kong literature ay sulat ni Frances Hodgson Burnett yung
sumulat din ng Little Princess...o kung sa atin pa eh Princess Sara.haha
Muli akong naexcite manood ng UAAP games. Kahapon eh mangiyak-ngiyak ang FEU
Tamaraws nang talunin sila ng La Salle. Ang sumunod na laro eh ang Ateneo versus UE. Of course, Ateneo ang nanalo. Kaya't excited ako sa darating na laro sa Linggo. Kahit nasa bahay ka lang at nanonood eh damang-dama mo ang excitement ng La Salle-Ateneo games! Year 2002 pa nang huling nagtagpo ang dalawang teams na ito sa Finals.
Nageencode ako ng mga profiles ng mga graduating students. ang dami nila! naku! kakapagod. pero ok lang. kaya sa mga may balak kumuha ng yearbook magbayad ng kayo! haha