Mahal na po ang extra rice...sa huling kain ko apat na piso ang itinaas nito..pati ang half rice na dati ay tatlong piso lamang ay apat na piso na ngayon...
Sabi ng DAR, may krisis daw ang Pilipinas sa bigas...pero sa aking pagmamasid sa mga mumunting lupain sa Mindanao..nakita ko na luntian at masayang sinasaka ng mga magsasaka ang kanilang mga pananim...
Narinig ko sa balita, nagtaas na raw ng presyo ang Jollibee...ang mga dating nitong budget meals ay hindi na kaya ng budget ng mga avid-suki nito..Tiyak ko maraming bata ang umiiyak ngayon dahil mahal na ang matamis nilang paboritong spaghetti...
Sumunod naman ang KFC...ang huling kain ko sa KFC ay noong Martes lamang...ayaw ko nang banggitin kung saan at aling branch..pero talagang uminit ang aking dugo sa tagal ng serbisyo nila...Ang tanga-tanga ng kanilang crew...hindi nila inisip ang mahabang pila ng mga gutom na gutom na customers...mabuti na lang at masarap ang kanilang Banana Ala Mode...na nakuha ko pa nang libre..pero in fairness...kung sarap ng manok ang pag-uusapan ay panalo sila sa panlasa ko...
Nabanggit ang manok, kagabi ay kumain ako sa kalapit na kainan na ang bestseller ay pritong manok...bad trip...gutom pa naman ako...wala akong ibang nalasahan kundi ang harinang binudbud at ang sukang may toyo at ketsup na ginawa kong sawsawan...sarap! Masarap sana...pero parang mantika ang kinain ko...ayoko na ring banggitin ang pangalan ng tindahan na ito..dahil maraming panahong dalawampung piso na lamang ang natitira kong pera ay swak na sa akin ang isang manok at kanin...
Kung sinasabi ng Kagawaran ng Agrikultura na may krisis nga ang bansa sa bigas, at ang dinig ko ay may problema raw sa ating hog industry...sana huwag naman nilang takutin ang buong sambayanan...Biro mo,maraming bata ang masasaktan dahil mahal na rin daw ang harina, magpapanic ang mga nanay at susugod sa mga tindahan at aakalaing end of the world na, o di kaya naman wala ng mga birthday parties na magaganap dahil may foot and mouth disease ang mga baboy...haay ibig sabihin nito matagal-tagal pa na hindi ako makakatikim ng maalat-alat nitong ribs...
Naku! Hindi pa tayo nasanay...isa na naman itong pananamantala sa kawawang si Juan dela Cruz..pakana na naman ito ng mga matatalinong gabinete ni Madam President upang mabaling ang atensyon ng bayan sa ibang isyu...akala naman nila madali itong makakalimutan ng mga Pinoy...sana wag naman nilang gawing tanga ang sambayanang Pilipino...
Ngunit ang totoo...hinding-hindi ito nakakalimutan..dahil damang-dama hanggang sa kaibuturan ng mga milyun-milyong kalamnam..na kahit ngayon ay malakas ko pa ring naririnig...
Mahal na nga talaga ang extra rice...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment