Saturday, March 15, 2008

break muna

pinapatulog na ako ng nanay ko, pero gising pa ako...
nagtatype-type ako sa lumang keyboard na to..
nakaupo sa lumang paikot-ikot na malambot na chair na to...
may electric fan na paikot-ikot sa harap ko...
nasa bandang kaliwa ko ang hapag-kainan...
nasa harap ko ang altar...
nasa unahan naman ang tv...
nasa may bandang taas ko ang racquet ng badminton...
nasa taas ko rin ang cross-stitched last supper...
may printer sa harap ko...
naamoy ko ang pamilyar na amoy na to...

in short nasa bahay na ako...
yung bahay na buong buhay mong kinalakhan...
buong buhay mong inamoy-amoy..
kung saan ka buong buhay natutulog..
kung saan ka naglalaro nung mga kabataan mo...

mali..

tahanan pala...
tahanan kung saan nadama mo ang bawat palo ng nanay at tatay mo...
tahanan kung saan napuno ang iyong kamusmusan...
tahanan kung saan mo unang napanood si Blue Blink at doraemon...
tahanan kung saan ka rin nakadama ng walang-hanggang pagmamahal
tahanan kung saan masarap ang Milo at Bear brand
tahanan kung saan napaso ang mga kamay mo habang nagluluto...
tahanan kung saan ang pinto ay laging bukas at naghihintay para sa'yo
tahanan kung saan pinili kong lisanin tatlong taon nang nakakaraan, ngunit patuloy paring babalik-balikan...

haay..there's no place like home...

magandang gabi!

No comments: