Natuwa ako nang nalaman kong ipapalabas uli ng ABS-CBN ang Cinderella.
Yung cartoon nga...na orange yung hair na wierd ang cut. Tapos yung mga
stepsisters at stepmother eh hindi kasing pangit ng mga nakikita natin sa
storybooks nung bata tayo...
Naalala ko tuloy nung maliit pa ako...mga nasa Grade 5 ata ako nung unang
pina-ere ang Cinderella. Naaalala ko mga alas 10 yun ng umaga...bago mag
Talk TV o Kris and Korina...Naaalala ko rin...bakasyon nung mga panahong yun..
Panahon kung saan tambay ako ng kalsada naglalaro ng shatom, piko-baro, patintero,
teks, at yung maliliit na kotse-kotse na ikaw ang mag-aassemble na may kasama
pang race track...
Pagpatak ng alas 10 eh uuwi na ako niyan...uuwi akong marumi ang mga paa...
magagalit sa akin ang katulong namin dahil ang rungis-rungis ko raw...
Suspension of disbelief. Talagang namemorize ko na ang opening billboard ng palabas..
"Kailan, kailan ko malalaman ang itatatawag sa isang mukhang walang pangalan...
Sabik na akong ikaw ay makilala ko..."
Ganito kasi ang story...Alam natin na ulila na si Cinderella at naiwan siya sa kanyang malupit na madrasta at dalawang stepsisters...Pero sa palabas e ang prinsepe ay nagpanggap bilang isang commoner...lumalabas siya ng palihim sa palasyo...in some twist of fate e nagkita sila ng prinsesa niya, siyempre papasok dito ang beauty ng ating beauty..Siyempre hindi matatapos ang kuwentong to kung wala ang mga kalupitan ng madrasta niya at mga malditang stepsisters...at siyempre hindi rin kumpleto ang storya kung wala ang-ever supportive fairy godmother ni Cindy at ang mga nagsasalitang pets niyang aso, ibon at mga daga...
All-time lovestory. Hindi ko alam romantic na pala ako nung kabataan ko. Nakakatawang isipin. Ang tanong...totoo nga bang may Prince Charming? Lahat siguro ng kababaihan si Cinderella...naghihintay sa kanyang Knight in shining armor...Hindi ata lahat ng lalaki ay prinsepe...mas marami ata ang mga Frog Prince...
Thursday, July 10, 2008
Thursday, July 3, 2008
Kapoi
july na at summer pa rin ang look ng site ko.
it's been almost a month now since school started.
since the classes began, i have never felt anxious of going to school.
Now that i'm graduating. Now that i have my thesis. Now that i have my Baldovino. Now that i still have Tortor. Now that it is my last year. Now that my parents are expecting too much from me....Not now...
Time to get my life back.
it's been almost a month now since school started.
since the classes began, i have never felt anxious of going to school.
Now that i'm graduating. Now that i have my thesis. Now that i have my Baldovino. Now that i still have Tortor. Now that it is my last year. Now that my parents are expecting too much from me....Not now...
Time to get my life back.
Subscribe to:
Posts (Atom)